Panaginip ko sa 'twina
Hiling sa natatanging tala
Nawa'y 'di na gumising pa
Pagtulog nawa'y isang sumpa
Ang paligid ay payapa
Sa mundong walang lupa
Talampaka'y nasa langit
Pag-ibig na 'di mawawaglit
Kapanatagan ng isip
Sa sandaling pag-idlip
Walang panahon, walang oras
Kaligayaha'y namamalas
Namulat aking mga mata
Paraiso pala'y wala na
Panaginip kong hiling
Abo nang maituturing