Tala sa kalangitan Ningning mo'y kaakit-akit Hiyas mo'y nais hagkan Taglay na kayamanan ng langit
Mapaglaro kong tala Ika'y minamasdan mula sa lupa Dilag kung ika'y ikukumpara Ika'y aawitan sa tugtog ng gitara
Tala sa kalangitan Ika'y muling pagmamasdan Sa gabing taglay ay poot Lunas sa lalamunang nanunuyot
| |
|